Raqi’s Secret Files

Raqi’s Secret Files

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

00:00
00:00

Episodens resumé

"Oo, kabit ako. Masaya ko kapag kasama ko siya, pero minsan, naaalala ko, may jowa pala 'to. May special person pala 'to sa buhay niya. Ano bang laban ko?" Ibinahagi ng letter sender ang komplikadong sitwasyon niya sa ka-situationship niyang nakilala niya sa dating app. Paano ba naman, ginawa siyang kabit nito! Magwagi kaya siya sa pang-aagaw o siya rin ba ang iiyak sa huli? Ito ang secret file ni Bob.

Episoder

523-

Anong laban ko sa tunay na jowa mo?

"Oo, kabit ako. Masaya ko kapag kasama ko siya, pero minsan, naaalala ko, may jowa pala 'to. May special person pala 'to sa buhay niya. Ano bang laban ko?" Ibinahagi ng letter sender ang komplikadong sitwasyon niya sa ka-situationship niyang nakilala niya sa dating app. Paano ba naman, ginawa siyang kabit nito! Magwagi kaya siya sa pang-aagaw o siya rin ba ang iiyak sa huli? Ito ang secret file ni Bob.

19 nov. 2026
522-

Pumayag akong maging kabit ng amo ko

“Nakipagrelasyon ako sa amo ko. May asawa't anak na siya, pero 'di ko natiis..”Ibinahagi ng letter sender ang naging lihim na relasyon niya sa isang babaeng may asawa at anak na nakilala niya habang nagtatrabaho bilang driver. Nagsimula ang lahat sa simpleng kumustahan at kuwentuhan tuwing hatid-sundo niya sa amo, hanggang sa unti-unti silang nagkaroon ng espesyal na nararamdaman para sa isa’t isa. Sa kabila ng saya ng kanilang pagsasama, alam niyang may pamilyang maaaring masaktan sa ginagawa nila. Ito ang secret file ni Dondon.

17 nov. 2026
521-

Inesmiringhoy ko sa banyo ang kumare ng misis ko

“Kung papipiliin ako kung siya o ang pamilya ko, pipiliin ko ang pamilya ko.”Ibinahagi ng ating sender, 46 anyos mula Palawan, ang lihim niyang relasyon sa kumare ng kanyang misis na nakilala niya sa isang simpleng salu-salo. Nagsimula ang lahat sa paghanga at tukso hanggang sa mauwi ito sa isang lihim na relasyon na patuloy nilang itinatago. Dahil sa trabaho niya bilang tour guide, madalas siyang malayo sa pamilya, pero sa halip na misis at mga anak ang mamiss niya tuwing umuuwi, ang kumare na ang laman ng isip niya. Alam niyang mali ang ginagawa nila at ayaw niyang masira ang pamilya niya, pero nahihirapan siyang tuldukan ang relasyong hindi niya inaasahang hahantungan niya. Ito ang secret file ni Arnold.

18 nov. 2026
520-

Na-factory reset ako ng babaeng manloloko

Akala ko sa wakas natagpuan ko na ang taong mamahalin ako nang walang pag-aalinlangan.”Ibinahagi ng caller, isang bisexual, ang kuwento ng pagmamahal niya kay Alex, isang babaeng nakilala niya sa kanilang pinagtatrabahuhan. Masaya siyang natagpuan ang isang taong tanggap ang kanyang pagkatao, kaya hindi siya nagdalawang-isip na pumasok sa isang relasyon dito. Pero habang tumatagal, nakaramdam siya ng kakaiba nang mapansin niyang tila may espesyal ding closeness ang isa sa kanyang matagal nang kaibigan at katrabaho. Lalong naging mabigat ang sitwasyon nang may matuklasan siyang hindi niya inaasahan, na nagdulot ng matinding pagdududa, insecurity at sakit, lalo na dahil taong pinagkakatiwalaan niya ang nasasangkot. Ito ang secret file ni Mark.

16 nov. 2026
519-

Nahuli ko ang anak ko na ginugupit ang kaniyang....

“Hindi sila pabigat. Bagkus sila ay blessings mula kay Lord.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakaaliw pero nakakagulat na karanasan niya bilang ina ng isang batang may autism spectrum disorder. Habang abala siya sa pag-aasikaso sa mga nakababatang anak, tahimik palang may ginagawang kakaiba ang kanyang panganay sa kuwarto. Nang silipin niya ito, laking gulat niya nang makitang ginupit ng anak ang sarili nitong buhok dahil naiinitan daw ito. Sa kabila ng kalokohang nangyari, ipinakita nya ang kahalagahan ng pag-unawa, pasensya at paggabay sa mga batang may special needs. Ito ang secret file ni Daniela.

15 nov. 2026